PINOY SURVEY
Please visit http://www.firipinjindesu.blogspot.jp
An Online Community for All Filipinos All Over Japan.
Firipinjin - Pinoy Tambayan sa Japan
Sunday, April 21, 2013
Saturday, April 20, 2013
ANG BANSANG HAPON - Japan!
Ang Hapon o Hapón /həpɒˈn/ (Hapones: 日本 Nihon o Nippon; tinatawag na 日本国 Nippon-koku (tulong·impormasyon) o Nihon-koku na may kahulugang Estado ng Hapon) ay isang bansang matatagpuan sa Silangang Asya. Binubuo ang bansang Hapon ng mga pulo, na ang apat na pinakamalaki ay Honshū, Kyūshū, Shikoku, at Hokkaidō. Isa sa mga pinakamayamang bansa ang Hapon na kilala sa mga produktong pang-transportasyon at elektroniks. Ang kapital nitong Tōkyō ay ang pinakamalaking kalungsuran sa buong mundo.
Ang Hapon ay binubuo ng 3,000 mga isla. Karamihan sa mga isla dito ay mabundok, at ang iba ay may mga bulkan, kabilang na ang pinakamataas na bahagi ng bansa, ang Bundok Fuji. Ang Hapon ay pang-sampu sa may pinakamalaking populasyon, na may 128 milyong katao. Ang Kalakhang Tokyo, kasama ang Tokyo at ang iba pang nakapalibot na prepektura, ay ang pinakamalaking metropolitanong lugar, na tinitirahan ng 30 milyong katao.
May mga pagsasaliksik na nagsasabi na may mga taong nanirahan na sa mga isla ng Hapon noong panahon pa ng paleolitiko.
Ang bansang Hapon ay ang ikalawang pinamalaking ekonomiya sa buong mundo (ayon sa nominal GDP), at ang ikaanim sa pinakamalaking naangkaat at tagapag-angkat. Ito ay kasapi ng mga Nagkakaisang Bansa (UN), G8, at ng APEC.
Source: http://tl.wikipedia.org/wiki/Hapon
Ang Pinoy ay Pinoy
Ang Pinoy kahit saan mo ilagay
na bansa ay Pinoy pa rin. Pinoy ang pananaw sa buhay, Pinoy kung dumiskarte,
Pinoy kung kumilos at magsalita, Pinoy ang panlasa sa pagkain, maging sa
pananamit. Minsan nga, pati ang di kanais-nais na ugali ay dinadala pa natin sa
ibang bansa. Bihisan mo man ng ibang kultura, lalabas at lalabas ang pagiging
Pinoy ni Juan Dela Cruz.
Iyan ang layunin ng pagtatatag
ng Firipinjin site. Ang lalo pang ilabas ang pagka-Pilipino kahit pa nga tayo
ay gaijin o dayuhan dito sa bansang Japan. Ang Firipinjin ay maglalapit sa atin
sa bawat isa at magiging tulay sa pagkakaisa nating mga Pinoy sa Japan. Yokoso!
Welcome sa ating bagong online tambayan! Ipagmalaki natin ang pagiging Pilipino
saan mang sulok ng mundo!
Subscribe to:
Posts (Atom)